Lipas na ang mga gabing iisipin kita.
Tama ako.
Tama ang desisyon kong
magpatianod sa agos ng hangin pakanluran
kung saan lumulubog
ang buwan.
magduda man sa patutunguhang isla,
maghari man ang poot sa bawat patak
ng dugo na umaanod sa pagal kong katawan,
alam ko na ito ang tama.
ito ang dapat kong ginagawa.
paninindigan ko ito:
ang pagsayaw kapiling ang samyo ng
hanging may pait.
Masasanay rin ako
sa pagkanta nang walang humpay
upang ihele ang mulat na katotohanang
nasa puso kita.
Matatag ako
ang boses mong sintamis ng tubig
ay hindi na ako matitinag
kailanman.
hindi mo na ako makukuha muli.
hindi na.
No comments:
Post a Comment