Wednesday, November 3, 2010

Baby CHAMP :D

hello baby champ :) 
welcome sa buhay ko. 
thankful ako na dumating ka sa'kin. 
wag mo akong iiwan ha?
kahit mejo hirap akong makitungo sa'yo 
dahil bago pa lang tayo, 
mahal na mahal na kita.
i promise to take care of you. 
aalagaan talaga kita with all my life.
i'll love you forever, baby Champ.
love lots, 
owbi.

Saturday, October 23, 2010

para sa isang prof.

hindi ko po alam kung bakit mo ako favorite. favorite inisin.
lagi mo kong tinatawag na mataba. laging napapansin. crush mo ba ko? sorry, di kita crush.


sabi mo kamukha mo si piolo pascual. na ah ah. kamukha mo po si empoy.
at bakit kailangan mo kaming kumbinsihin na pimirma para iendorse ka na maging presidente ng BulSU? kapal ah. ilalagay namin pangalan namin, pati pirma? haha. uto. sinabi mong di yun kasama sa grade? uto ka ulet. ikaw pahh. eh namemersonal ka weh.(napilitan akong pumirma.)

requirement mong may evaluation sa pagtuturo mo bago makuha cc? after ko na lang makagraduate, tsaka kita sasabunin ng criticisms. isa kang malaking u***.

kamukha mo si spongebob na nangitim.

Wednesday, October 13, 2010

ang tunay na ibig sabihin ng finals

1. EYEBAGS
2. Puyat
3. pagharap sa computer
4. bye bye social life.
5. wala munang unli unli.
6. paghahanap ng natagong handouts
7. pagpapaphotocopy ng lecture ng masipag
8. wala munang maisusulat.
heyto na si finals, wiwit. goodluck sa akin :*

Saturday, October 9, 2010

masakit sa bangs

may bangs ako ulet. yey! haha.masaya yun :)
mukha raw akong ewan.well, yun ang purpose :P
goodluck sa bangs, 
at finals.
(kinakabahan ako ngayon, baka sumakit ang bangs ko)

Aphrodite, promise.

sinong makakahindi sa mukhang ito? tell me.

Sunday, September 26, 2010

spontaneous

bagong keyboard. orig daw to ng Dell. ayos kako. di na ko mahihirapang magtype. maayos nga. malambot ang keys. OK :)
nakakapag chat na ko ng maayos. nakakapag blog na rin ng mas ok.
mamimiss ko ang laptop ko, kahit may topak sya. di ko na kasi sya madadala sa skul kasi mas hindi matino ang battery nya ngayon. kagabi, nagulat ako. buglang may pumasok na idea sa utak ko kahit half-asleep na ko. nakagawa ako ng tula. paggising ko sa umaga, binasa ko, aba. hindi sya corny tulad ng dati. dati kasi, lalo pag tagalog, pag binasa ko ulit yung naisulat ko, natatawa ako sabay delete sa notes (sa phone ko muna kasi sinusulat, phone comes handy, eh). pero kaninang umaga, nagandahan pa ko. nao ba talaga, poet na ba talaga ko o nagpapanggap lang? nakakagawa na ba talaga ako ng magandang tula? o baka nasa panahon lang? o [pinaninindigan ko lang ang pagiging Hulagpos Editor ko sa The Mentors' Journal? ano? nagyayabang lang ba ko kay Mar kasi nakakasulat na ko ng nagugustuhan nya? o sinabi lang nya na nagustuhan nya? si jule rin naman nagustuhan ah, pati si ruby. ewan ko lang, baka sinabi lang nila yun kasi friends kami.

bakit ganun? may gana akong magsulat?naalala ko yung speaker nung seminar, drugs daw ang pagsusulat. nakakaadik, adik na ba ko? sana. sana maadik ako para makapagsulat, at hindi lang basta basta sulat, yung maganda, yung gugustuhin nilang basahin. sana mag-improve ako.
salamat dahil may 'notes' ang phone ko para ang mga biglang naiisip ay naisusulat at naaalala. :)
salamat kay Mar na bumasa ng tula ko sabay sabing nagandahan raw siya (kahit di ko alam kung tunay o hindi)
nung friday,may training ng journalism, sa totoo lang, wala akong natutunan. wala naman kasing naiturong maganda. yung mga sinabi ng speakers, alam ko na. tsaka, yung mga trip kong isulat, hindi yun ang trip basahin ni speaker. seryoso, feeling ko talaga ang ganda (kahit papano, may laman) nung sinulat ko nung friday para sa editoryal. eh ang gusto pala nung parang wa wents na speaker na yun eh yung mga sumusunod sa rules strictly. wala. hindi ako nanalo. ang nanalo ay yung nung high school ay tinuturuan ko.
nainis akong konte pero ok lang. di talaga yun ang taste niya. ew. di bale nang hindi ako magaling para sa isang walang kwentang tao. ang mahalaga, alam kong maganda yun para sa mga "tunay" na manunulat (referring to idol deQuiros). :D
anyway,
Salamat sa Mentors kasi nakakapagsulat na ulit ako.
salamat sa muse ko dahil nadadalas ang dalaw nya.
muse, i hope you stay.

at. kakaririn ko ang pagbblog, para hindi ako matengga.
ayokong kalawangin eh. kaya itong page na to ang incubation period ng mga isusulat ko, dito na rin ito mahihinog.

Whoever found my yesterdays


alfred yuson
Please hold ‘em carefully as I had,
And store in a shoebox, nike of possible,
Then place mothballs and cellar blocks
Alongside to ensure safety & fragrance.

Sing Lennon as you place the lid,
Then stack up in a high place,
So that when the earth shudders
They will come tumbling down

And you’d have to repeat
The process as I had, I have,
I am doing & keeping
To do all the time.